American Tales, Part 1
Cómo están ustedes?
pagpasensyahan nyo na’t matagal akong di nakakapag
post dito. Mula nang mapadpad ako dito sa los angeles e nawala na ako sa sarili ko. sinu ba namang hindi masisiraan ng ulo dito?
akala ko amerika ang tungo ko. pero sa halos dalawang buwan ko dito, parang nasa pilipinas pa rin ako. paglapag na paglapag namin sa
eroplano, akala ko mga puti’t itim ang sasalubong samin pagbukas ng
pinto, pero mga kulay pandesal ang mga taong sumalubong samin at
nagtatagalog pa ang iba.
pagkalagpas ko ng immigration check, deretso ako sa baggage carousel. nung naubos na’ng mga lumalabas na bagahe’t wala pa yung gamit ko, lumapit ako sa isang mamang maputi at matangkad na nakauniporme (ahem, eto mukhang amerikano, sabi ko sa isip ko). syempre, hinanda ko sarili ko–eto na, mapapasabak na ako sa englisan nito.
"Excuse me. Can you help me find my luggage?" biglang sagot
sakin, "Hinanap nyo na po ba sa mga nakalapag dun?" sabay turo gamit
ang bibig sa mga nakakumpol na bagahe sa sahig.
pag daan ko sa customs check, isa isa nilang pinadaan sa xray ang mga bagahe. yung ibang bagahe, binuksan pa nila. nung ako na ang nakasunod sa pila, aba’t mantakin mo ba namang tanungin ako kung me dala akong balot, tocino, longganisa, mangga, at chicharon. "Yummy yummy chicharon, do you have some?" tanung pa nya sakin. Ginutom tuloy ako.
pagkalabas ko ng airport, sinundo na ako ng mga kamaganak ko. halos
filipino ang kasabayan ko sa eroplano, kaya puro pinoy din ang
sumalubong sa mga pasahero sa labas. ok lang, sabi ko. gabi na nung
dumating kami, baka maagang natutulog ang mga amerikano, sa isip ko.
II.
kinaumagahan, pagkatapos ng almusal ng kape’t tinapay (hindi ko na
ginalaw yung hinanda nilang dala namin na dried pusit dahil yun din
ang huling ulam ko sa pinas), sinama nila ako sa grocery. ang pangalan
ng grocery ay Seafood City. excited ako. wow! seafood. gusto ko ng
lobster at kung anu anu pang seafood sa amerika, inisip ko. tuwang
tuwa ako nung bumukas ang pinto. wow, auto-doors. kusang bumubukas. wow amerika na!
pero sumambulat sa kin, picture ng mukha ni ryan at juday sa counter. Manood daw ng Isabella sa TFC channel. Halos pinoy ang namimili sa grocery, pati mga empleyado. hindi lang mukhang pinoy. pag bumili ka ng baboy, itatanung pa sayo, "Anung hati gusto nyo dito sa karne nyo?" Akala ko sa Seafood City ako nagpunta, bat parang nasa Cherry Supermarket sa Commonwealth lang ako?
Lahat ng produkto ng pinas andun– mula sa fishballs, squidballs, bangus, tilapia hanggang sa Lingayen Bagoong (Yes), datu puti suka at sinu ba namang mawawalan ng staple food ng pinoy: ang instant pancit canton. pati ang paborito kong Pop Cola meron sila, mas matangkad nga lang ang bote. siguro sadyang pang amerika, mas mahahaba daw kse yung sa kanila. i mean, yung mga bote ng soda.
III.
pagkatapos naming mag grocery, tinanung ako kung san ko raw gustong mag merienda. eto na. makakatikim na ako ng american burger at fries. whooo! ang saya saya.
so, tumingin ako sa paligid ng makakainan. tumingin ako sa kaliwa: jolibee, chowking, goldilocks at dalawang pinoy restaurant. yung isa pa nga, sandamakmak na pictures ng artistang pinoy sa mga pader nya. (bigla akong napadasal: lord, sana wag naman pong chickenjoy, meal No. 6 ang ipakain nila sa kin ngayon) tumingin naman ako sa kanan: Aling Nena’s Pinoy restaurant, Mang Ambo’s Turo Turo, at ang ever present na Goodah!
Sabi ng tita ko, sa Goodah na lang kame.
Mahirap itago ang nasa isip ko, "Tita, hindi ba puro lugaw at mami dyan? Saka po, matagal na atang nagsara yung Goodah sa tin, masarap ba dyan? (Actually bukas pa, kadadaan ko lang sa West Ave nung araw bago ako umalis ng Pinas).
"Hindi, masarap dyan. Halika. Pumili ka ng gusto mo." Pinauna ko muna silang pumasok sa loob ng Goodah, nagdasal muna ako sa labas.
Pagkauwi namin, habang nagbababa kame ng groceries, dumating yung kapitbahay nila.
"Kumusta? dumating na ba yung pamngkin nyo?" sabi nya. Oo, tama kayo, pinoy din.
"Oo," sagot ng tita ko. "Halika Jo, ipapakilala kita. Yung
isang kapitbahay din natin mga Filipino. Halos Filipino tayo dito."
Napangiti lang ako.
IV.
Akala ko sa Amerika, marameng puti, marameng itim, marameng ibang lahi. Pero dito sa LA, mukhang eto daw ata ang promised land ng mga sinakop ng bansang Espanya noon pa. dahil puro Pinoy at Mehikano and nandito, mga lahing dating inalipusta ng mga Kastila. Ang California daw ay dating pagmamayari ng mga Kastila, kaya siguro sinabi ni lord, "O dito na lang kayo ha."
sadyang marami talagang pinoy dito sa LA. nung niyaya akong
magbasketball ng mga pinsan ko, isang buong gym na puno ng pinoy ang naglalaro. sa simbahan, lahat pinoy ang nakikimisa. sinamahan ko sa ospital yung isa kong pinsan, mga pinoy nurses ang kumakausap sa min. hindi ko tuloy maipagmalaki sa mga ibang kaibigan ko sa pinas na nasa amerika na ako. dahil nung una akong nagkwento sa knila, ayaw nilang maniwala dahil para lang daw akong nasa mindanao.
November 13th, 2007 at 9:32 am
waah, baligtad tayo ng experience kumpareng petix. dito sa lugar ko, ako lang ang pinoy at di pa ko mapagkamalan pinoy. either chinese, korean, taiwanese, japanese. waah, walang goodah, chowking o jollibee sa lugar namin. meron goldilocks at lbc pero dadayuhin ko pa. miss ko na ang ube sesame balls ng chowking. di mo ba alam, extension ng quiapo ang l.a. natandaan mo ba yung mga jeepney na me karatulang
“extension”? iyan yong lugar na yon. hehe. XD
November 13th, 2007 at 4:54 pm
Hey Geoff!!! Haha ang saya. Pero oo nga, nung lumipat friend ko sa Texas, sobrang homesick niya parang di kakayanin. Tapos lumipat sila sa LA biglang ang saya na ng buhay niya. At least never ka ma-ho-homesick!
November 15th, 2007 at 7:06 pm
except for family at christmas, pinas na pinas ang LA. i have a friend in florida, miss na miss ang balot, kaya eto i’m trying to figure out kung panu sya padalhan ng balot. harharhar
November 22nd, 2007 at 4:16 pm
sir,nag enjoy naman ako sa kwento nyo at talagang tinapos ko ha,ayaw nyo nun,jeep na lang kulang pinas na pinas na hehehe,ingats po.sna pag dating ko sa CT puti ang mkita ko.
November 26th, 2007 at 11:19 am
love it.. love it.. love it. sumakit ang tyan ko sa katatawa. reminded me of my brother’s complaint everytimes he comes here…”nakakasawang pinakbet ni grandma”.
November 29th, 2007 at 5:53 pm
hello po…kakatuwa naman po kwento nio dito rin sa NY puro mga pinoy nakaksalamuha ko un nga lng d cla nmamansin paingles ingles pa halatang pinoy nman…
December 5th, 2007 at 12:56 am
bwahahahahahahahaahahaha….at least, napaka-patriotic ng experience mo. Amazing ang hospitality na pinakita sa pagdating mo komo pinoy ka nga…D2 sa lugar ko…nkakainis maging pinoy kaya pag tinanong ako kung ano nationality ko…sabay ngiting sagot…Indonesian po marunong lang magtagalog hehehe…pasensya na…
January 14th, 2008 at 8:50 pm
hello geoff. ngayon ko lang nabasa ulet ang blog mo. sobrang gulong ako kakatawa at napatanong si mister kung ano ang binabasa ko. tama ka dyan, sandamakmak na pinoy nga dyan sa lugar nyo. pero buti ka nga at di mo mami-miss ang jollibee. hehe. kami dito sa victoria e walang jollibee at ang pinakamalapit na goldilocks e andun pa sa vancouver. padalhan mo ako ng chickenjoy dito!!! harharhar